|
Somehow,I still blush when I hear his name.
Ako si Jho . Home Ask Archive Random RSS Theme |
May kani-kanya tayong definition ng pagmamahal, may kani-kanya tayong paraan para maipakita ‘yung ~love~ natin sa isang tao. Pero sa tingin ko talaga bukod sa effort, and words (pagsasabi ng “I love you” everyday)— marami pa tayong ibang bagay na dapat matutunan, para malaman natin kung paano magmahal ng tama. Sabi nila, kung mahal mo talaga ang isang tao, hinding-hindi siya ang magiging dahilan ng pagbasak mo. Karamihan sa atin, love means giving everything we’ve got, kakalimutan ang sarili, basta mauna lang ‘yung mga gusto ng taong mahal natin. This isn’t right. Kailangan makahanap tayo ng taong pagbibigyan natin ng lahat lahat, pero hindi hahayaan na maubos ‘yung lahat lahat natin sa kanila lang. Kapag may mahal tayo, it’s very wrong to be obsessive (‘yung tipong gusto mo sa’yo na umikot ang mundo niya, nakakaumay ‘yun), always remember na there are other stuff more important than you. Lalo na kung pareho kayong bata pa, lalo na kung hindi mo pa naman asawa, ‘wag kang masyadong makapit. Gawin mong inspirasyon ang pagmamahal, hindi sagabal sa mga bagay. Karimahan ngayon, teenagers to be specific, kapag may lovelife dun pa nagkakanda-leche leche ‘yung mga grades sa school, dun pa natututong magbulakbol and other shits. Lol. Hindi dapat kasi ganun, dapat ‘yung mga mahal natin ‘yung magiging dahilan natin para mag-aral ng mabuti, para ganito ganyan. ‘Di ba? And as much as possible, kung nag aaral ka pa, ‘wag na ‘wag, putanginang ‘wag mo talagang uunahin ‘yang bwakanang inang lovelife na ‘yan. Masakit sa ulo. Kung hindi mo kayang i-balance ang love at studies, mas maiging magaral ka nalang muna talaga. Isipin mo nalang kung mukha kang love, tapos pinakilala ka niya sa family or friends niya, ano nalang ipagmamalaki mo? Mas nakakaproud sa taong mahal natin kung hindi lang puro ganda ng mukha ang maipapakita niya sa ibang tao, kundi ‘yung laman din ng utak at puso. ‘Wag mong piliin ‘yung taong ikaw ang pangarap, rather, piliin mo ‘yung taong alam mong may pangarap at ikaw ang gustong makasama sa pagtupad ng mga ito. Dapat ang love, ginagawa kang mabuting tao. Hindi porket mahal mo, okay lahat sa’yo. Okay na siya ang pinakasinungaling na tao sa buong mundo, kulang nalang maging artista siya kasi bullshit siya. Okay na tamad siya sa ganito ganyan, basta mahal ka niya. Okay na wala siyang alam, basta alam niyang mahal ka niya. Wala kayong patutunguhan niyan. Tulad ng nakasulat sa taas, dapat inspirasyon ka niya, para matutunan niyang magbago hindi lang para sa’yo, kundi para rin sa sarili niya. Kung na-da-drag down ka ng tinatawag mong pagmamahal, mas maiging bumitaw, or sige fight for it— pero hindi sa puntong pareho kayong nasa baba. Gets mo? ‘Pag mahal ka niya, gagawa siya ng bagay para sa ika-kaangat niyo pareho. Alam niyo kung bakit maraming mahihirap na maraming anak? Kasi ‘yun nga, ~love~ lang ang alam nilang gawin.
Posted on May/17/2012
Sa totoo lang,Natatawa talaga ako pag nakakarinig ako ng mga ganitong linya:
—- Alam niyo kung bakit ako natatawa, kasi unang unang JOKE yan eh, pangalawa, TANGA KA KUNG MANINIWALA KA SA PALUSOT NA YAN. Nalasing ka, oo. pero hindi ibig sabihin nun na hindi mo na alam ang ginagawa mo, Reality check, alam mo ang ginagawa mo, mahina lang talaga katawan mo, pero may isip ka parin. Alam mo kung anong nangyayari. jusko naman mga ate’t kuya. Ako naranasan ko din yung malasing talaga. nanghina lang katawan ko, pero alam ko kung anong nangyayari sakin at sa paligid ko. Kaya please, tigilan ako sa mga joke na yan. Minsan akala mo late receiver ka. Yun pala mas inuuna niya lang itext yung iba kung saan mas interesado siya.
|